IKALAWANG ANIBERSARYO NG MAMASAPANO INCIDENT, GINUNITA.

Ginugunita ngayon ng Philippine National Police ang ikalawang anibersaryo ng Mamasapano Incident na ikinasawi ng 44 sa Special Action Force (SAF) Commando.

Sa pagharap ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa mga naulila ng SAF 44 sa Malacanang, kanyang sinabi na  makaran ang pagrepaso sa record ng mga namatay ay gagawaran ng medal of valor kung saan idedeklara itong day of remembrance.

Inianunsyo rin ng Pangulo ang plano nitong pagbuo ng isang Independent Commission na kabibilangan umano ng justices, lawyers at pribadong indibidwal para magsagawa ng imbestigasyon sa Mamasapano encounter.

Magiging malaya raw ang komisyon at magkaroon ng kapangyarihang magpatawag ng mga resource persons at iimbestigahan para matapos na ang lahat ng katanungan.

Ang Mamasapano massacre ay resulta ng Oplan Exodus, operasyon ng Estados Unidos at may basbas ni dating Pangulong Noynoy Aquino na dakpin, buhay o patay ang malaysian bomb expert na si Marwan.(E. Calma)

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*