KOREAN GOVERNMENT, BUO PA RIN ANG TIWALA SA PILIPINAS

Buo pa rin ang tiwala ng korean government sa pilipinas.

Ito ay kahit naging malupit ang sinapit ni Jee Ick Joo sa mismong kamay ng mga pulis sa Camp Crame.

Ayon kay Mr. Charlie Shin, Executive,  Vice President ng United Korean Community Association  in the Philippines,  naniniwala sila kay PNP Chief, Director General Ronald Dela Rosa  na mareresolba ang kaso ni Jee.

Tiwala rin si Shin at ang buong Korean Community sa liderato ni Dela Rosa at umaasa na hindi maapektuhan ang mabuti nilang relasyon sa PNP dahil sa pangyayari.

Aminado si Shin na ang nangyari kay jee ay nagdulot ng takot sa Korean Community sa bansa pero tiwala pa rin sila sa justice system ng pamahalaan.

Giit ni Shin na naniniwala pa rin sila na mapayapa pa rin sa Pilipinas at hindi nila pinapayuhan ang mga kababayan na umalis na.

Kahapon ay inanunsyo rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggap na ng korean government ang paghingi ng paumanhin sa sinapit ni Jee. (E. Calma)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *