PNP CHIEF, INAMING MARAMI PANG KASO NG KIDNAPPING ANG KINASASANGKUTAN NG MGA PULIS

Inamin ni PNP Chief, Director General Ronald Dela Rosa  sa kanyang muling pagharap sa Senado na marami pang kaso ng kidnapping ang kinasasangkutan ng mga pulis.

Bukod pa  sa kontrobersyal na tokhang for ransom o ang pagdukot at pagpaslang sa Korean trader.a

Nniniwala si Bato na bago pa pumutok ang Jee Ick Joo kidnap slay case ay may naganap nang kaparehas na kaso na idinawit din ang ilang pulis.

Tinitiyak ni Dela Rosa na may iba pang mga pangalan ang mabubulgar sa hanay ng pnp na sangkot sa kidnapping.

Muli ay pinaalalahanan ni Senador Panfilo Lacson si Dela Rosa na ayusin ang hanay ng PNP gayundin ang pagtatalaga sa mga sensitibong yunit tulad ni SPO3 Ricky Sta. Isabel na nailagay sa anti- illegal drugs group kahit may kaso itong kidnapping noong March 2007. (E. Calma)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *