P15 M HALAGA NG SEX TOYS AT IBA PANG PRODUKTO… NASAMSAM NG MGA TAUHAN NG CUSTOMS, SA BINONDO, MAYNILA

15 milyong pisong halaga ng puslit na sex toys at assorted goods ang nakumpiska ng Bureau of Customs.

Ayon sa BOC, naaktuhan ng kanilang intelligence service agents habang ibinababa ang mga sex toys mula sa isang shipping container sa kahabaan ng Padilla street sa Binondo, Maynila.

Kabilang sa mga nakumpiska ay vibrators at iba pang sex enhancement products, karaoke amplifiers, bigas, electronics at iba pang merchandise mula sa china.

Idineklara ang shipment bilang polybags na naka-consign sa Elsprocon trading  sa Binondo kung saan si brix evale ang customs broker.

Sinabi ng Customs na hindi sakop ng import permits mula sa Food and Drugs Administration at iba pang dokumento ang shipment.

Ayon kay intelligence officer joel pinawin, nagbayad lamang ang importer ng mahigit 72,000 pesos na duties at taxes para sa misdeclared shipment.(Candy C.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *