TARGET NA 2.5 TO 3.5 PERCENT GROWTH SA AGRULTURAL OUTPUT, MAAABOT SIMULA NGAYONG 2017

Kumpiyansa ang Department of Agriculture na maaabot ang target na 2.5-3.5 percent growth sa agricultural output kada taon simula ngayong 2017.

Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Pinol na grains sector ang magpapataas sa agricultural value.

Una nang tinarget ng nakalipas na Aquino Administration na itaas ang taunang agriculture at fisheries output sa 3.5 percent.

Gayunman, ibinaba ito sa draft ng philippine development plan sa 2.5-3.5 percent simula ngayong taon hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi naman ng national economic and development authority na posibleng maabot ang bagong target.

Ito’y hanggat nakapagpo-produce ang bansa ng mas maraming high value crops  o non-stoppable agricultural crops na karaniwang may mas mataas na net returns.(Lea S. Rivera)

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*