MGA KLIYENTE NG MEGA SHABU LAB SA VIRAC, CATANDUANES PINANGALANAN!

Isa isang pinangalanan ng witness sa natuklasan "mega shabu laboratory" sa Virac, Catanduanes na si Ernesto Tabor, Jr., ang pinagdadalhan nila ng droga sa iba't ibang lugar sa bansa.

Sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Rep. Robert Ace Barbers, tinukoy ni Tabor si dating Mayor Constantine Cordial ng Caramoan Camarines Sur, Alyas Tipong sa Catanduanes, Snooky Imperial sa Legaspi City, Don Pepe ng Tiaong, Quezon at Jun Ranse sa Binondo, Manila.

Nagdeliver din umano sila ng Drugs kina Tiptip Wong at Bobby Wong.

Sinabi rin ni Tabor na ang unang produksyon ng shabu galing sa mega lab ay dinala lahat sa New Bilibid Prison o NBP sa Muntinlupa City.

June 2015 umano ng magsimulang itayo ang shabu lab, at mula June 2015 hanggan October 2015 nakapag deliver sila ng kabuuhang 335 kilos ng shabu.

Pinangalanan din ni Tabor bilang boss niya sa pagbebenta ng shabu si dating NBI Anti Illegal Drugs Division Atty. Eric Isidro o Tay Eric.

Si Tabor ay dating asset ng PNP at NBI, però sa hindi inaasahan pangyayari napasok na rin it sa pagbebenta ng Drugs.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*