DALAGA HINIMATAY SA MRT, PATAY

PATAY ang babaeng pasahero ng MRT Line 3  makaraang himatayin sa loob ng tren kahapon ng umaga.

Ayon sa Department of Transportation (DOTR), hinimatay ang pasaherong si Marielle Ann Mar sa loob ng tren habang binabagtas ang bahagi ng Ortigas Station – Southbound,  alas – 9:48 nh umaga kahapon.

Agad naman itong inilabas sa tren ng mg security guard, at nilapatan ng first aid ng MRT – 3 staff.

Dinala naman si Mar sa Victor P. Potenciano Medical Center, kung saan idineklara itong wala nang buhay, alas -12:05 ng tanghali.

Hindi naman natukoy ang dahilan ng pagkamatay ng dalaga at hindi na rin ipinasailalim ng pamilya ang katawan nito sa awtopsiya.

Sinabi ng DOTR na nangyari ang insidente nang hindi peak hours.EC

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*