MGA AIRPORT PERSONNEL MULING PINA-ALALAHANAN NA BAWAL MAG-SOLICIT NGAYONG PASKO!

Mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng mga airport personnel ang pagso-solicit at pagtanggap ng regalo o pabor mula sa sinumang indibidwal o korporasyon…

 

Ito ang ipinaalala ng pamunuan ng Civil Aviation Authority Of The Philippines o CAAP kaugnay sa mahigpit na pagpapa-iral ng “no gift policy” ngayong Christmas Season…

 

Ayon kay CAAP Capt. Jim Sydiongco- mahigpit na ipinagbabawal ang anumang klase ng solicitation sa ilalim ng Republic Act 6713 o code of ethical standards for public officials and employees…

 

Matatandang una ng ipinagbawal sa mga kawani ng immigration ang pagbati ng “merry christmas” lalo na kung ang layunin ay pagpapahiwatig ng paghingi ng aginaldo…

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*