GOV’T AGENCIES, GOCC’s, GFIs AT SUCs PINARANGALAN SA FOI

PINARANGALAN ng Presidential Communications Operations Office ang  mga karapat-dapat na government department  at mga attached agencies  kabilang ang mga Government Owned and Controlled Corporation, State Universities and Colleges at maging ang local government units na tumulong sa pag-develop sa Freedom of Information o FOI.

Sa isinagawang kauna-unahang FOI Awards Ceremony sa Rizal Park Hotel sa Manila, sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ipinagmamalaki niya at ng FOI team  ang mga naisakatuparan ng kanyang tanggapan.

Layon ng awarding ceremony na kilalanin ang contribution ng mga attached agencies  kung saan ang Department of Budget and Management ang champion  sa department category  sa FOI implementation habang ang Philippine Statistics Authority naman ang wagi  sa agency category

Nakakuha din ng FOI award ang National Housing Authority para sa GOCC category habang ang University of the Philippines naman sa SUC category.

Binigyang diin ni Secretary Andanar na ipinagmamalaki nila ang milestone na ito na bunga ng kanilang pagsisikap.

Samantala, kinumpirma ni Andanar na 96% o 181 nationa government agencies ang nagsumite ng FOI manuals habang 69 GOCC at 26 SUCs din ang nagsumite.

Nanguna naman sa mga FOI requests ang PSA na sinundan ng HOH, DOTr DBM at PCOO.LEO  PALO III

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*