GRUPO NA SUMUSUPORTA SA NPA TUKOY NA

CAMP AGUINALDO – TUKOY na ng Armed forces of the Philippines  (AFP) ang mga grupo o mga organisasyong sumusuporta sa New People’s Army (NPA).

Subalit, ayon kay AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero, gumagawa na sila ng hakbang para maresolba ang problemang ito sa hindi marahas na pamamaraan.

Sinabi ng opisyal na hindi maaring armado o hindi mula sa kanilang hanay ang kokompronta sa mga legal organizations na ito.

Aniya mayroon nang mga goverment agencies ang umaaksyon sa problemang ito.

Matatandaang mula ng pormal ng tapusin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang peacetalks sa Communist Party of the Philipines(CPP) (New People’s Army) NPA National Democratic Front(NDF) sunod-sunod ang naging pag-atake ng NPA kung saan malimit nilang ginagawang pananambang sa tropa ng pamahalaan.EC

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*