MARAMI PANG GUSTONG LUMIPAT SA PDP – KOKO

DAHIL marami pang nais lumipat sa Partido Demokratiko Pilipino -Lakas ng Bayan (PDP-Laban), nagpasya ang partido na palawigin ang kanilang deadline sa pagtanggap ng mga bagong miyembro hanggang February 2018.

Ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, marami pang pending application na hindi pa agad naaksyunan ng partido kaya’t minarapat nilang iextend ang recuruitment.

Una nang inanunsyo ni Pimentel na hanggang Nobyembre lamang sila tatanggap ng bagong miyembro.

Nilinaw naman ni Pimentel na hindi pa rin nagbabago ang kanlang mga plano para sa 2019 midterm elections.

Binigyang-diin ng Senate President na dapat makita sa bawat magiging miyembro ng partido na taglay ng mga ito ang kaparehong ideya, layunin at values.DSG

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*