PINOY ‘DI GINAWANG DAGANG COSTA PARA TURUKAN NG DENGVAXIA

Kalma lang!

Ito ang naging panawagan ng French pharmaceutical company Sanofi Pasteur Philippines kaugnay sa pagbakuna sa mahigit 700,000 mag-aaral ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Sinabi rin ng nasabing anti-dengue drug maker,  hindi nangangahulugan na na nakamamatay ang “severe dengue” na una nilang inihayag kundi posibleng magkaroon ng lagnat at pasa.

Samantala, hindi anila ginawang guinea pigs o dagang costa ang mga Filipino nang mistulang mag-eksperrimento ang Sanofi sa kanilang unang lisensiyadong anti-dengue vaccine.

Giit pa ni Dr. Joselito Sta. Ana, regional director ng Sanofi, hindi ginawang “guinea pigs”  ang Filipino para sa kanilang unang  licensed dengue vaccine.

Aniya, para mas malinaw, ang programa ng DOH ay hindi clinical trial at  ito ay isang public program kaya hindi ginawang guinea pigs o dagang costa  ang mga Filipino.EC

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*