PISTON PREXY PINAPAARESTO, BAYAN UMALMA

IPINAARESTO na si Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) President George San Mateo.

Ayon kay  Judge Mariano Alagar ng Metropolitan Trial Court Branch 43, nag-abiso sila ng P4,000 piyansa para sa  pansamantalang paglaya ni San Mateo.

Idineploy na rin ang mga tao para dakpin si San Mateo na may huling address sa Project  3, Quezon City.

Ang kaso ng Piston president ay ang pagsasagawa ng tigil pasada Noong Pebrero  O paglabag sa Commonwealth Act 146 o public service law.

Samantala, umalma naman ang militant group na Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN sa pagpapaaresto kay San Mateo.

Giit ni BAYAN Secretary General Renato Reyes na gawa-gawa lamang ang kaso laban sa Piston leader.

Sa katunayan, noong isang araw pa may nagpunta sa kanilang tanggapan na pulis at hinahanap si San Mateo.EC

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*