PROCUREMENT NOTICES NG GOV’T AGENCIES DAPAT I-POST SA WEBSITES

MULING nagpaalala ang Malacanang sa lahat ng ahensiya ng Pamahalaan  na ilathala ang kanilang procurement notices sa kani-kanilang websites.

Sa pamamagitan ng Memorandum Circular no. 36, inaatasan nito ang mga tanggapan ng gobyerno na tumalima sa nasabing kautusan alinsunod na din sa itinatakda ng Republic Act  9184 o mas kilala na Government Procurement Act.

Saklaw din ng Memorandum Circular ang Government Owned and Controlled Corporation o GOCC ganundin ang State Universities and Colleges.

Bahagi aniya ito ng tuloy-tuloy na pagtataguyod ng Administrasyon sa prinsipyo ng transparency, accountability at efficiency sa procurement process.

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang nasabing Memo Circular nitong nakaraang Nobyembre 29. LEO PALO III

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*