WAR ON DRUGS HAWAK MULI NG PNP

CAMP CRAME –IBINALIK na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang pagdurog sa pagpapalaganap ng droga.

Ngunit sa pagkakataong ito, may equal at active  participation ang  National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippiness (AFP), Bureau of Customs (BoC) at PhilPost.

Batay sa memorandum ni Pangulong Rodrigo Duterte na binasa ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon, nakasaad na ibinabalik na sa PNP at sa ibang law enforcement agencies ang trabaho bilang aktibong tagasuporta sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kampanya nito laban sa iligal na droga.

Ayon kay Roque, mananatiling PDEA ang lead role sa anti-drug operations at supporting unit lamang ang PNP habang ang Dangerous Drugs Board (DDB) ang policy-making body and strategy formulating body sa drug prevention and control program ng gobyerno.

Nakasaad din sa memo ng pangulo na bagama’t kinikilala nito ang “significant accomplishments” ng PDEA, matindi ang public clamor para ibalik sa PNP at iba pang law enforcement agencies ang responsibilidad bilang aktibong tagasuporta sa PDEA sa anti-drug campaign.EC

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*