2 MAHALAGANG PANUKALA PASADO SA SENADO

SA huling araw ng sesyon ng kongreso bago ang Christmas break, dalawang mahahalagang panukala ang ipinasa at pinagtibay sa senado.

Una ay ipinasa na sa ikatlo at final reading ang panukalang magtataas sa tinatanggap na sweldo ng mga military at uniformed personnel.

Sa botong 20-0, iinasa ng senado ang joint rrsolution no. 8 na magdodoble sa base pay ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel.

Kasunod nito, niratipikahan ng senado sa botong 16-4

ang tax reform for acceleration and inclusion o train ang tax reform package ng duterte adminiatration.

Tumutol sa tax reform bill sina senador panfilo lacson, risa hontiveros, bam aquino at antonio trillanes iv.

Nagkaroon pa ng mga pahabol na isyu bago nalagdaan ang train.

Ito ay nang mistulang magkaroon ng dalawang committee report dahil nakita ng mga senador na mayroong insertion sa panukala na nagpapanatili ng vat exemptions sa locally produced coal.

Taliwas ito sa napag usapan sa bicam kung saan nagkasundo na itaas ang excise tax sa coal sa singkwenta pesos sa susunod na tao, isandaan sa 2019 at 150 sa 2020.

Pumutok din ang isyu na nagkaroon ng lobbying sa kongreso kaya’t nais bawasan ang buwis sa coal.DSG

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*