I AM NOT INVOLVED IN ANY MOVES PARA PUMALIT SA ATING HOUSE SPEAKER – REP. VELASCO

KAHIT ilang beses pabulaanan ng mga Kongresista na may bantang pagpapalit ng pamunuan sa kongreso ay hindi pa rin ito maiwasang pag-usapan lalo’t may mga pangalang lumulutang na posibleng pumalit kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Isa si Marinduque Lone District Rep. Lord Allan Jay Velasco sa mga kumakalat na maaaring humalili sa lider ng Kamara.

Sa panayam ng DZME Kinse Trenta kay Velasco, sinabi nitong wala siyang nalalaman na may gumagalaw upang patalsikin ang kasalukuyang pinuno ng mababang kapulungan.

I am not involved in any moves para pumalit sa ating speaker.” paglilinaw ni Velasco.

Ayon sa kongresista, kung halimbawa man na magkaroon ng pagkakataon na siya ay maging Speaker of the House ay hindi naman nito tatalikuran ang hamon.

Kahit sino pong Congressman po ‘yan, everyone’s up to the challenge…pero ang sinabi ko nga, I don’t see any moves that’s happening right now Sir.” ani Velasco

Nakapag-usap na rin umano sila ni Alvarez at nagpaliwanag na siya sa mga kumakalat na balita.

I talk to him naman po…na ‘yung mga umiikot na balita ay rumors lang po.” dagdag pa ni Velasco.

Si Velasco ay anak ni Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*