PAG-LIFT NG TOTAL DEPLOYMENT BAN SA KUWAIT, NAKADEPENDE SA SINSERIDAD NG KUWAITI OFFICIALS- SEC. BELLO

NAISAPINAL na ng Pilipinas at Kuwait noong nakaraang biyernes ang Memorandum of Understanding (MOU) na poprotekta sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWS).

Sa panayam ng DZME Kinse Trenta kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi ng kalihim na kailangang patunayan ng bansang Kuwait ang sinseridad sa pagpapatupad ng naturang kasunduan upang tuluyang matanggal ang total deployment ban sa naturang bansa.

Kung hindi mapapatupad ‘yan, sabi nga ng Presidente, walang lifting of the total deployment ban… maliwanag ‘yan kaya magpakita sila ng sinseridad.” ayon sa Kalihim.

Kabilang sa mga napagkasunduan: Hindi na kukumpiskahin ang passport at telepono ng OFW, sa bangko ipapasok ang sahod at $400 o may katumbas na P20,000 ang minimum na itinakdang pasweldo.

Inaasahang pipirmahan ang MOU sa loob ng dalawang linggo.

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*