KAMPO NI SERENO, IGINIIT NA HINDI SILA ANG NAGDUDULOT NG KAHIHIYAN SA KORTE SUPREMA

IGINIIT ng kampo ni Supreme Court Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno na hindi ito magbibitiw sa pwesto.

Ito ay sa kabila ng mga panawagan na magbitiw na ito bilang Punong Mahistrado upang maisalba ang pangalan sa kahihiyan.

Sa panayam ng DZME Kinse Trenta kay Atty. Josalee Deinla, tagapagsalita ni Sereno, sinabi nitong ang mga nasa likod ng pagpapatalsik kay Sereno ang nagdudulot ng kahihiyan sa Korte Suprema.

“Yung mga nasa likod ng mga efforts na siya ay alisin ang sanhi ng sa kahihiyan ng Korte Suprema.” ayon kay Deinla.

Dagdag pa ni Deinla, kaakibat ng desisyon ng pananatili ni Sereno sa posisyon ay ang pagsiwalat nito ng katotohanan.

Nauna nang ipanawagan ni Atty. Larry Gadon, main complainant ng Impeachment Complaint ni Sereno na magbitiw ito sa pwesto upang maisalba sa kahihiyan ang pinuno ng mataas na hukuman.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*