PAGSAILALIM SA WPP KAY NAPOLES, HINDI TAMA AYON SA KAMPO NI VP ROBREDO

NANINIWALA ang kampo ni Vice President Leni Robredo na hindi tamang isailalim sa Witness Protection Program ng Department of Justice ang tinaguriang Pork Barrel Scam Queen na si Janet Lim-Napoles.

Sa panayam ng DZME Kinse Trenta kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ng Pangalawang Pangulo, sinabi nitong ang paglalagay kay Napoles sa WPP ay sisira at magpapahina sa hudikatura ng bansa.

Nakikita natin kung paano nae-errode ‘yung ating mga institusyon lalo na ang judiciary kung siya ay gagawing state witness dahil alam naman natin na pwede ka lang maging state witness kung ikaw ay least guilty.” saad ni Hernandez.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi muna makikialam si Pangulong Duterte sa pagpasok ni Napoles sa WPP dahil hindi pa ito itinuturing na state witness.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*