PAG-LEAK NG DESISYON NG NPS SA KASO NINA KERWIN, SINISI NI SEC. AGUIRRE SA MGA ‘DILAWAN’

NANINIWALA  si Department of Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na may sumabotahe sa maagang paglabas ng desisyon ng National Prosecution Service (NPS) na nagbabasura sa kasong iligal na droga nina Kerwin Espinosa at iba pang mga sangkot.

Sa panayam ng DZME Kinse Trenta kay Aguirre, sinabi nitong marami pang tauhan sa NPS ang mula sa dating administrasyon na posibleng may kagagawan ng leakage.

“Sino bang magli-leak niyan kundi ‘yung mga naroon sa opisina [NPS]. Alam naman nating anim na taong hinawakan ng mga dilawan ‘yan.” saad ng Kalihim.

Dagdag pa ni Aguirre, kulang rin ang naibigay na impormasyon kay Pangulong Duterte kaya ito nagalit sa kanya.

“Akala niya (Duterte) ay pinakawalan ang mga drug lords… kasi ire-review raw niya kapag pinakawalan.. sabi ko, hindi na kailangang umabot pa sayo sa level ko lang ako na po ang bahala dyan.” paglilinaw ni Aguirre.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*