BAGONG ANOMALYA SA VP RECOUNT, MAHIRAP LUSUTAN AYON SA ISANG DATING MAMBABATAS

MALINAW na may anomalya sa nakaraang halalang pangpanguluhan noong 2016.

Ito ang sinabi ni dating Biliran Representative Atty. Glenn Chong na una nang kumwestiyon sa kredibilidad ng PCOS machine at Smartmatic.

Sa panayam  ng DZME Kinse Trenta kay Chong, sinabi nitong mahirap lusutan ang bagong diskubreng anomalya.

Matatandaang sa ikatlong araw ng isinasagawang manual recount ng Presidential Electoral Tribunal (pet) kahapon sa mga boto ng pangalawang pangulo hinggil sa umano’y dayaan.

Nadiskubre umano ng mga Head Revisors ang mga balotang hindi nagamit ngunit may shade na pumapabor kay Vice President Leni Robredo.

Agad naman dumipensa ang kampo ni Robredo at tinawag na ‘fake news’ lang ang umano’y nasilip na anomalya.

 

 

 

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*