TINIG @ HIMIG SA DZME OFW MUSIC VIDEO CHALLENGE, NAGSIMULA NA

SINIMULAN kahapon ng Tinig@Himig sa DZME ang Music Video Challenge para sa mga OFWs.

Sa pamamagitan ng pagre-record ng mga awitin gamit ang song application na smule, naibahagi ng ating mga kababayang OFW ang kanilang mga talento sa pag-awit.

Unang sumalang si Nhel Cabello Sagubat na tubong San Emilio, Ilocos Sur at kasalukuyang nagta-trabaho sa Honolulu, Hawaii. Inawit ni Sagubat ang awiting You made me live again ni Janet Basco.

Ang ikalawang contestant naman na si Ronald Navarro na kasalukuyang nasa Saudi at tubong-Sta Maria, Ilocos Sur, hindi rin nagpahuli sa kanyang awiting Besame Mucho.

Inawit naman ni Celly Soliven ng Alicia, Isabela at kasalukuyang nasa Malaysia ang Minamahal Kita, Minamahal mo siya ni Eva Eugenio.

Nakapukaw naman ng damdamin ng mga nanood at nakinig ang awitin ng ikaapat na contestant na si Leyneth Resurrecion na taga-Sta Teresita Cagayan at kasalukuyang nasa Singapore upang magtrabaho.

Ang kanyang awitin kasing Ikaw ni Yeng Constantino, nilapatan niya ng sariling lyrics na naglalaman ng kanyang kwento at dahilan ng pagta-trabaho abroad.

“Sa pagpatak, ng bawat luha ko’y kayo… ang nasa isipan ko… ako’y nangungulila ng labis.. sapagkat, malayo ako sa inyo.. nangibang bansa ako, mahirap mawalay sa inyo ngunit titiisin ko..” ayon sa ilang linyang inawit ni Resurrecion.

Ang huling kalahok na si Rosel Albutra nagmula rin sa Cagayan Valley at kasalukuyan ring nasa Singapore. Inawit ni Albutra ang Without You ni Mariah Carey.

Ang Tinig at Himig ay mapapakinggan sa DZME 1530 am band tuwing Biyernes, alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi, oras sa Pilipinas at mapapanood rin sa mga sumusunod:

Facebook page: DZME 1530 Khz
DZME website: www.DZME-1530.com
Youtube: officialdzme1530
U-Stream app: DZME1530KHZ

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*