News & Events

News and Events

Lorem Ipsum

P15 M HALAGA NG SEX TOYS AT IBA PANG PRODUKTO… NASAMSAM NG MGA TAUHAN NG CUSTOMS, SA BINONDO, MAYNILA

15 milyong pisong halaga ng puslit na sex toys at assorted goods ang nakumpiska ng Bureau of Customs.

Ayon sa BOC, naaktuhan ng kanilang intelligence service agents habang ibinababa ang mga sex toys mula sa isang shipping container sa kahabaan ng Padilla street sa Binondo, Maynila.

Kabilang sa mga nakumpiska ay vibrators at iba pang sex enhancement products, karaoke amplifiers, bigas, electronics at iba pang merchandise mula sa china.

Idineklara ang shipment bilang polybags na naka-consign sa Elsprocon trading  sa Binondo kung saan si brix evale ang customs broker.

Sinabi ng Customs na hindi sakop ng import permits mula sa Food and Drugs Administration at iba pang dokumento ang shipment.

Ayon kay intelligence officer joel pinawin, nagbayad lamang ang importer ng mahigit 72,000 pesos na duties at taxes para sa misdeclared shipment.(Candy C.)

3 KATAO, ARESTADO SA ANTI-DRUG OPS SA BOHOL

3 lalaki ang inaresto ng National Bureau of Investigation sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa Tagbilaran city, sa Bohol.

Sina Emeterio Bautista, 41 anyos; Quirico Castillon, 45; at Noel Paredes, 25 ay kasalukuyang nakakulong sa NBI detention cell at sasampahan ng kasong illegal possession at  pagbebenta ng iligal an droga. 

Si bautista na isang tricycle driver ay nadakip sa isang mall habang nagbebenta ng shabu.

Ilang oras ang  nakalipas,  naispatan naman ng NBI si Castillon, driver ng tourist bus at  si Paredes na kanyang runner na nagbebenta rin ng shabu.(Jane Manalastas)